Dala ang mapupungay mong mata,
Pasuray-suray kang lumapit
Sa una’y patagong nagmamasid,
tila hangin,
bago nanghablot pagilid Mga maduming kamay ay
humaplos sa aking bihisang katawan,
Bibig na amoy serbesa’y
tuluyan na akong hinalikan Walang habas na pinunit,
aking makulay na saplot,
pinanggigilan ang aking laman
Sa higpit ng hawak,
di na nagawang manlaban Matapos ang pagkakakulong,
sa iyong mahigpit na yakap,
tuluyang pinagsawaan, at ako’y pinakawalan,
sinuot mo ang maamong mukha,
Lumisan, matapos makinabang.